Friday, 2 January 2015

Intorduksyon

       Ang istoryang ito na mula sa Shahaname na isang epiko ay nagsasalaysay ng paglalaban ng bayaning si Rostam ng Iran at ang batang mandirigma na si Sohrab na nagmula sa Turan. Anak ni Rostam si Sohrab na bunga ng minsang pagsasama niya at ni Tamina na isang prinsesa mula sa Turan. Sinabi ni Tamine kay Sohrab na ang dakilang bayani ng Iran na si Rostam ang tunay niyang ama. Suot ni Sohrab ang sagisag na ibinigay ni Rostam kay Tamine bilang tanda ng pagiging ama niya sa anak nila ng prinsesa. Ngunit dahil sa sinabi ni Tamine na ang anak nila ay babae, hindi alam ni Rostam na may anak siyang lalaki.

       Nang magharap ang mga sundalo ng Turan at Iran, ibig sabihin ni Sohrab kay Rostam na siya ang anak nito. Hinamon ng batang mandirigma si Rostam na maglaban sila nang mano-mano. Nakita ni Sohrab na may edad na ang mandirigmang si Rostam. Sumang-ayon si Rostam at dahil sa prinsipyo, makikipaglaban siya na walang suot na sagisag na magiging palatandaan na siya si Rostam. Ayaw na rin niyang ipaalam kung sino sya.

        May pag-aalinlangan pa rin si Sohrab na ang makakalaban niya ay si Rostam, bagamat nararamdaman niyang siya nga si Rostam na kaniyang ama. Sa paning naman ni Rostam, nagsususpetsa siya na ang batang Turanian na paborito ng marami ay kaniyang anak, ngunit hindi niya matanggap ang ideyang iyon.

Kapaligirang Pangkasaysayan

     Ang Shahnameh ay epiko na ginawa ng isang Iranian Poet na si Ferdowsi Tusi na ang ibig sabihin ng kanyang pangalan ay "galing sa paraiso". Nag simula siya gumawa neto ng naglalaro sa numerong 100,000 na linya at 60,000 na dalawang linya sa huli. Ang epiko ni Ferdowsi ay umabot ng 30 taon para makompleto.

      Ang Shahnameh ay halos puro Persian. Ito ay importante para baguhin ang lingwahe ng mga Persian gamit ang inpluwensya ng mga Arabo.

     Ang pag-aaral ng Shahnameh ay nagbibigaysa atin ng daan para mapalawak kung pano mapalawak ang kultura para maging parte ng mana ng mundo.

Reaksyon

    Itong epikong ito ay nagpapakita ng pag wawalang tiwala sa taong malapit sayo o kamag-anak mo. Hindi nga tamang basta-bastang naniniwala sa mga sinasabi, sapagkat pag ang isang bagay ay nanggaling na sa malapit sayo o kamag-anak mo pwede ka namang maniwala at di na umabot sa puntong mag kakasakitan na kayo para lamang maniwala sa isang bagay.

     Sana maraming makaintindi sa isang epikong ito. At maraming makuhang aral galing dito dahil nag papakita ito ng pag papahalaga sa mga salitang sinasabi ng isang tao. Sa tingin ko naman ay maraming bagay na makukuha dito tulad nalang ng pag bibigay halaga sa pamilya mo.